| January 29, 2007 |
harmful yet addictive
As I light a cigarette, I cant help thinking why do I smoke? It burns my lips, hurts my eyes and as I inhale it's dark smoke, it brings great pain to my chest and takes me to a state of mind where loneliness and emptiness resides. As I throw it's butt, I promised to myself that I would never again light another stick. Yet it's scent haunts me. I took out a stick and realizzed i'm already hooked. Like love, harmful yet addictive...
|
| July 11, 2006 |
gumising ka sa katotohanan
Gising tol! Tumatanda ka na, Tol!. Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na yung role ng crush na crush mong matinee idol noon. Dati, pag may panot sisigaw ka na agad ng "PENDONG!". Ngayon kapag may sumisigaw nun, ikaw na ang napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, Royal Jelly at Ginko Biloba. Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisg, kaldereta, inihaw na lienpo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea. Wala na ang mga kaibigan mo noon. Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang bestfriend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kinakausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala. Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa. Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin na ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR. Dati-rati masaya ka sa isang isang plato ng pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mo nang lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera amg lugar. Dati, sulit na sulit na sayo ang gin pomelo. Ngayun, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser. Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Natataka na kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento. San ka ba papunta? Tol, gumising ka! Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit ka nilagay rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggangmaging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sayo. Balikan mo sila. Ikaw ang nagbago, hindi ang Mundo. |
| July 8, 2006 |
KRITIKA
"Sa duwag at patraydor na pagpatay ng rahimen, gayunman, lumulutang ang matapang at prinsipyadong buhay, karaniwang tao sila na inilaan ang buhay, lakas at talino para sa hindi karaniwang pagbabagong kailangan ng ating lipunan. Sa pagpatay sa kanila, dapat managot ang mga kriminal. Higit pa rito, gayunman sa halos umaga at araw na ito, ang karahasan ay literal na naghuhudyat ng katapusan ng karahasan bilang paraan... magkano ang buhay ng aktibista? MAHAL! kabulukan ng lipunan ang isinasakdal." |
| July 6, 2006 |
bite my head!
I accidentally saw you yesterday, it was in the afternoon and i was on my way to my "tropa's place". I really don't want to see you and you don't want to see me... I wish you never saw me, it's enough for me to go away to this madness of loving you. I have to clear you out of my mind and it's hard to do. now I know the feeling of leaving a memory behind.. "so, it feels like this" I say, it really hurts. now im working in makati, no need to tell everyone. im ok with the way my life goes, it's my life... |
| July 5, 2006 |
waking up
gudmorning sun shine... oh! its going to rain.. maybe it's just a reality check for me to realize that everything is illuminated. having a coffee and yosi while reading the Inquirer on wednesday morning is not my ideal hobby but I got to know something for my stock knowledge. a tiring day for me for having a four hours sleep.. well, that's my life. got to go to work AGAIN! have to talk and talk and talk until my nose bleeds... |
![]() |
![]() |
![]() |